Pormal na binuksan ang Summer Kids Peace Camp 2024 sa Bayan ng Libungan, Cotabato nito lamang ika-2 ng Hunyo 2024.

Isang maaliwalas at masayang umaga ang bumungad sa bayan ng Libungan, Cotabato matapos ang Summer Kids Peace Camp 2024 o SKPC.

Bakas ang excitement sa mukha ng mga batang campers sa pag-uumpisa ng naturang aktibidad na sinimulan sa pamamagitan ng isang makulay na parada na nagsimula sa Lope T. Quial Sr. Central Elementary School palibot sa ilang pampublikong lugar sa bayan.

Inaasahang aabot sa 1,477 na upcoming Grade 5 students ang dadalo sa tatlong araw na aktibidad na magbibigay sa kanila ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang modules na mabusising pinaghandaan ng Technical Working Group at organizers.

Layunin nito na bumuo sila ng mas mataas na antas ng kumpiyansa, pagtitiwala, paggalang, at simpatiya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *