Matagumpay na nagtapos ang kick-off ceremony ng Dengue Awareness month na ipinagdiwang ng Lungsod ng Digos sa pamamagitan ng City Health Office nito lamang ika-4 ng Hunyo, taong kasalukuyan.
Ang naturang pagtitipon ay isinagawa sa Digos City Gym, Davao del Sur na siya namang dinaluhan ni Councilor Ferdinand Castra, Mr. Franciso Tongcos, miyembro ng City Committee on Health Board, City Health Officer Milagros Sunga, mga nars ng DepEd, kinatawan ng TVPI Banana Plantation Inc. at iba pang stakeholders.
Dagdag pa, sa kasalukuyan ay nasa 484 na ang kasong naitala kung saan ay isa rito ang namatay.
Samantala, ang kampanya upang labanan ang dengue ay patuloy namang pinapaigting ng lungsod kung kaya naman ay ang “Tepok Lamok Dengue Sapok” Program ay isa sa maraming programa na isinusulong ng City Health Office.