Wala ng buhay nang madatnan ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa bahagi ng Broce, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong ika-4 ng Hunyo 2024.
Kinilala ang biktima na si Sumagka Ibad Abdulrahi, driver at residente ng RH10, Cotabato City.
Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang payong-payong tricycle nito papunta sa coastal area sa Barangay Kusiong nang bigla itong binaril sa ulo ng hindi tukoy na mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Napag-alaman din na kasama ng biktima sa motor ang kanyang pamilya.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa kaso upang mahuli ang mga suspek sa likod ng naturang insidente.