Sugatan ang isang Pulis matapos mabato sa ulo sa isinasagawang Writ of Demolition sa Upper Palalan, Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City nito lamang ika-5 ng Hunyo 2024.
Kinilala ang biktima na si PCpt Reyman Pontillas, Deputy Station Commander ng Police Station 8.
Ayon sa imbestigasyon, habang ginagawa ng demolition team ang demolisyon, ang nabanggit na suspek ay lumikha ng gulo at nambato sa mga tauhan ng PNP at tinamaan si PCpt Pontillas sa ulo na nagdulot ng pinsala at dinala sa Lumbia-Hospital para sa agarang medikal na atensyon.
Kinilala ni PCol Salvador N Radam, City Director, Cagayan de Oro City Police Office, ang suspek na si alyas “Lonie”, 28 anyos, single, residente ng Upper Palalan, Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City.
Naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Police Station 8 sa salang Direct Assault with Attempted Murder in connection with Writ of Demolition in Civil Case No. C18-NOV-117 na inisyu ni Maria Luna Llena G. Lanticse-Saba, Presiding Judge, MTCC Branch 5, 10th Judicial Region, Cagayan de Oro City.
Patunay lamang na ang kapulisan ay may matatag na paninindigan sa pagpapanatili ng kapayapaan. Sa kabila ng mga panganib, hindi nag-aatubiling gampanan ang mga tungkulin at panatilihing matiwasay ang buong Rehiyon ng Northern Mindanao tungo sa bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Rizza Sajonia