Namahagi ng Educational Financial Assistance si Congressman Paglas sa mga estudyante ng Maliban Public School sa Maguindanao del Sur noong ika-5 ng Hunyo 2024.
Pinangunahan ni Maguindanao del Sur Congressman Tong Paglas ang naturang aktibidad.
Higit 537 estudyante ang nakatanggap ng nagkakahalagang Php5,000 cash assistance bawat isa.
Aniya ni Congressman, ang aktibidad na ito ay para sa mga estudyanteng may mataas na pangarap upang makapagtapos sa pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga estudyante sa natanggap nilang tulong mula sa Congressman.