Walang tigil sa paghahatid ng serbisyong totoo ang “Medical-Dental Outreach Program” ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa Barangay Poblacion, Libungan, Cotabato nito lamang ika-6 ng Hunyo 2024.
Sa pangangasiwa ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) kasama ang mga opisyales at iba pang health workers, naging matagumpay ang nasabing aktibidad.
Mahigit 331 residente ng naturang barangay ang nakatanggap ng serbisyong pangkalusugan.
Sa bilang na ito, 184 ang nagpa-medical check-up, 22 sa dental check-up, 53 ang sumailalim ng libreng tuli, at 24 buntis ang nakatanggap ng buntis kits at namahagi rin ng libreng gamot sa mga residente.
Sa kabilang banda, 38 na residente naman ang nakilahok sa isinagawang feeding program. Bukod dito, sampung mga bata na naitalang “malnourished” ang sumailalim sa tatlong buwang dietary supplementation kung saan sila ay binigyan ng pang-isang buwang complementary food packs (CFP) bilang bahagi ng “nutrition services.”
Ang aktibidad na ito ay naglalayong maipadama sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan ang pagmamahal ng pamahalaan tungo sa isang maayos at mapayapang pamayanan.