Nakatanggap ng libreng Hybrid Rice Seeds at Fertilizers ang mga Rice Farmers sa Butuan City sa Barangay Lemon Covered Court nito lamang ika-6 ng Hunyo 2024.

Ang mga nakatanggap nito ay mga miyembro ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA kung saan ang mga indibidwal ay nagsumite at dumaan sa isang mahigpit na proseso.

Ang pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka na tulad nito ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Butuan sa pamamagitan ng City Agriculture and Veterinary Department, Department of Agriculture Caraga at rice seeds and fertilizers company para matulungan ang mga magsasaka na mabawasan ang gastos at mapataas ang kita.

Ang programang ito ay isa sa mga paghahanda sa nalalapit na panahon ng pagtatanim upang mapanatili ang mataas na produksyon ng kalidad ng palay sa Lungsod ng Butuan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *