Nagsimula na ngayong araw ng Biyernes, ika-7 ng Hunyo, ang 2-day Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City, Davao del Norte.

Ang opening ceremony ay personal na dinaluhan ni House Speaker Hon. Ferdinand Martin G. Romualdez kasama si Davao del Norte Acting Governor Hon. de Carlo “Oyo” Uy at Tagum City Mayor Hon. Rey T. Uy.

Hatid ng Bagong Pilipinas Serbisyo ay mahigit 235 na serbisyo mula sa 62 ahensya ng gobyerno gaya na lamang ng SSS, GSIS, PDEA, BIR, CSC, PAG-IBIG, DOT, DOJ, Public Attorney’s Office, Philippine Postal Corporation, Philippine Sports Commission at iba pa.

Inaasahang mahigit 200,000 na residente mula sa 11 munisipyo sa Davao del Norte ang mabibigyang serbisyo ng naturang aktibidad kung kaya naman ay naghandog na rin ang lungsod ng Tagum ng libreng sakay palabas sa apat na serbisyo fair sites na nasa City Hall of Tagum, Tagum Cultural and Trade Center, Davao del Norte Sports and Tourism Complex at Tagum City National Comprehensive High School.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *