Patuloy na dinarayo ng lokal, deboto at turista ang Sunken Cemetery sa Camiguin.

Ito ay isang natatanging pook na matatagpuan sa baybayin ng Barangay Bonbon, ang lugar na ito ay hindi lamang isang natural na tanawin, kundi isang makasaysayang pook na may malalim na kahulugan sa kasaysayan ng isla.

Ayon sa kasaysayan, ang Sunken Cemetery ay dating libingan ng mga Katoliko bago pa man maganap ang pagputok ng bulkan sa isla noong 1871.

Ang pagsabog ng bulkan ang nagdulot ng pagkalubog ng sementeryo, simbahan at mga kabahayan, kaya’t ang lugar ay naging kilala bilang “Sunken Cemetery”.

Sa kabila ng trahedya, ang Sunken Cemetery ay naging isang popular na destinasyon para sa mga turista at mga deboto.

Makikita sa lugar ang isang malaking krus na itinayo bilang tanda ng alaala sa mga yumao.

Ang krus ay matatanaw mula sa malayo at nagsisilbing gabay para sa mga bumibisita.

Maari ding magsagawa ng snorkeling o diving sa paligid ng Sunken Cemetery, kung saan matutuklasan ang mga lumang batong tombstone na nakatago sa ilalim ng dagat.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *