Naging matagumpay ang isinagawang opening ceremony ng Binuhat Festival 2024 sa City of Tagum Cultural Center nito lamang ika-14 ng Hunyo, 2024.
Ang Binuhat Festival ay isang makahulugang kaganapan na layuning ipagdiwang ang ating LGBTQ+ Community.
Ang unang araw ng pagdiriwang ay sinimulan ng 3-days ball games gayundin ang Binuhat Food Fair.
Dagdag pa, nagkaroon din ng Holy Mass at Binuhat Walk na sinimulan sa Rotary Park at nagtapos naman sa City of Tagum Cultural Center.
Nakiisa naman sa Binuhat Walk ang mga partisipante ng Binuhat Queens sa Mardi Gras Competition.
Inaasahan namang sa pangalawang araw ay magkakaroon ng Smart Talk sa Tagum Theater, Hair and Make-up sa Robinson’s Place Tagum, Binuhat Got Talent at Comedy Night sa Rotary Park.
Sa huling araw naman ay magkakaroon ng Cheers and Yells Competition, KPop Dance Contest 2024 at Awarding and Grand Closing Ceremony sa Rotary Park.