Nagsagawa ang pamahalaan ng Cotabato ng Mental Health Service na idinaos sa bayan ng Kabacan, Cotabato nito lamang ika-13 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ni IPHO Psychiatrist Esper Ann I. Castañeda at ng Serbisyong Totoo Mental Health Team ang pagkonsulta sa mga pasyente at pagbigay gabay sa mga caregivers hinggil sa tamang pangangalaga tungo sa kanilang tuluyang paggaling.

Nasa 70 na mga indibidwal kasama ang mga tagapangalaga sa mga ito ang sumailalim sa nasabing programa ng kapitolyo.

Layon din nito na mabawasan ang kanilang gastusin sa pagpapatingin sa mga espesyalista at maipagpatuloy ang gamutan sa mga benepisyaryo dahil sa ibinibigay na libreng “maintenance medicine”.

Patuloy na ipinapaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato ang serbisyong pangkalusugan na tumututok sa mga kalusugang pangkaisipan o “mental health” ng mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *