Isinagawa ang pagpupulong ng United Bangsamoro Justice Party para sa paghahanda sa nalalapit na 2025 Elections nito lamang ika-12 hanggang 13 ng Hunyo 2024.

Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ni Ahod “Al Haj Murad” Ebrahi, Presidente ng UBJP katuwang ang Party Vice President at Vice President ng Central Mindanao, UBJP Secretary General, Committee Chairpersons, Provincial Executive Officers ng Partido mula sa iba’t ibang lalawigan at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front Central Committee.

Dahil sa aktibong pagpapalitan ng ideya at diskusyon ng mga party officials dala-dala ang kanilang mabuting adhikain para sa Bangsamoro ay naging produktibo at makabuluhan ang nasabing pagpupulong.