Isinugod sa pagamutan ang isang lalaki matapos binaril ng 15 anyos na binatilyo sa Kagay-an Bridge, Barangay Acacia, Carmen, Cagayan de Oro City nito lamang ika-14 ng Hunyo 2024.
Batay sa imbestigasyon ng PNP, ang nakikitang motibo sa pamamaril ay ang rambulan ng mga kabataan sa Kagay-an Bridge at sinundan na ng nasabing pamamaril.

Nadakip si alyas “Nicolaiā at dalawa pang menor de edad ngunit pinaghahahanap pa rin ang 15 anyos na bumaril sa biktima.
Pinaalalahanan naman ng Cagayan de Oro City PNP ang mga mamamayan na gabayang mabuti ang mga anak upang di masangkot sa anumang uri ng krimen.