Nagsagawa ng Blessing at Turn-Over sa tinatayang Php20 milyong Road Concreting Project ang Local Government Unit ng Kidapawan City sa Purok Mangga, Barangay Meohao, Kidapawan City nito lamang ika-17 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ni City Mayor Atty. Jose Paolo M. Evangelista, katuwang ang iba pang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan City, ang isinagawang blessing at turn-over sa nasabing proyekto.

Nagpapasalamat naman ang residente ng Barangay Meohao at si Barangay Chairperson Adolfo Basilan sa pamahalaan sa pagkakaloob ng naturang proyekto.

Inaalala nito ang sitwasyon ng kanilang mga pangunahing daan na lubak-lubak at sira-sira na nagdudulot ng kahirapan sa mga motorista na bumibyahe papunta sa kanilang mga destinasyon.

Layunin ng pamahalaan na maisaayos ang lahat ng mga daan sa lungsod lalo na ang nasa malalayong barangay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *