Nagsagawa ng Art Tabo ang Hulma Industry sa Ground Floor Maria Cristina Hotel, Iligan City nito lamang Hunyo 18, 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Anita T. Sescon, Hulma Executive Officer katuwang ang Department of Trade and Industry at Hulma Iligan.
Ang Art Tabo ay isang plataporma kung saan maaaring ipakita ng mga crafters at artisans ang kanilang mga gawa ayon sa Philippine Creative Industries Development Act.

Sa naturang aktibidad ay ipinakita ang mga handicrafts tulad ng mga palamuti, mga crocheted na produkto, bag at iba pang gamit na gawa sa mga katutubong materyales at iba pa.
Nag-aral din ang Hulma Iligan Creatives Collective ng iba’t ibang anyo ng sining, tulad ng Theater Act, Film at Video Making, Painting, Kulintang, at iba pa.
Layunin ng aktibidad na ito na ipakita ang talento ng mga Iliganon sa larangan ng sining.