Naging mapayapa ang paggunita ng Salatu Eid’l Adha na nilahukan ng libo-libong mga Isabeleñong Muslim sa lungsod ng Isabela sa probinsya ng Basilan nito lamang Hunyo 17, 2024.

Inorganisa ng Lokal na Pamahalaan ng Isabela katuwang ng Basilan Ulama Council ang isinagawang congregational prayer na idinaos sa Isabela City Grandstand.

Nagsilbing imam at pinangunahan ni Dr. Aboulkhair Tarason, ang nasabing pagdarasal habang isang khutbah naman ang ibinigay ni Ustadz Munir Muluk, matapos ang taimtim na dasal.

Ang Eid’l Adha o Pista ng Sakripisyo ay isang pangunahing sagradong araw na ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *