Ginanap ang Parkalingaw Music Festival kasabay sa pagdiriwang ng Charter Day na idinaos sa Plaza Divisoria, Cagayan de Oro City nito lamang ika-15 ng Hunyo 2024.
Hatid ni Mayor Rolando “Klarex” A. Uy, na suportahan ng City Tourism and Cultural Affairs kasabay si Malvern Esparcia, City Councilor na nagbigay kasiyahan kasabay sa selebrasyon ng 74th Charter Day.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang local bands.
Isa na dito ang Herbal Remedies, Nobela, Wlkman, Brandibelly, Bloodflowers, Cyberband at Uncle Skar na nagpakita ng kanilang talento sa musika.

Bukod rito, may mga alacart ng streetfood vendors, at mga nagbebenta ng ukay-ukay.
Layunin ng aktibidad na magbigay saya sa mga mamamayan at para bigyang oportunidad na ipakita ang tunay nilang talento.