Handog ni Minister Atty. Jajurie ang isang tseke na nagkakahalaga ng Php480,000 kay Matanog Mayor Zohria Bansil-Guro upang suportahan ang mga operasyon ng Matanog Orphanage Center, sa Matanong, Maguindanao del Norte nito lamang ika-17 ng Hunyo 2024.
Ito ay bahagi ng mga subsidiya na ibinibigay ng Ministri para sa mga kwalipikadong orphanage sa buong Rehiyon ng Bangsamoro sa ilalim ng Programa para sa Kapakanan ng mga Bata at Kabataan ng MSSD.
Sa kasalukuyan may 160 na ulila sa pagitan ng edad na 6 hanggang 14 taong gulang, karamihan sa mga ulila ang nawalan ng parehong mga magulang at ngayon ay naninirahan sa ilalim ng pangangalaga ng naturang ampunan.
Layunin ng programang ito na igalang, protektahan, at itaguyod ang mga karapatan ng mga bata, lalo na ang mga naulila sa murang edad.