Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Zamboanga ang 27th Basic Summer Sports Camp na Binansagang “Learn To Play a Sports Program” nito lamang Hunyo 18, 2024.

Higit 20 sports disciplines ang tampok sa summer sports program para sa mga batang may edad 7-15 taong gulang.

Bago pa man ang muling pagbukas ng taunang aktibidad ay nagkaroon na ng rehistrasyon para sa mga kalahok sa pangunguna ng City Sports Division.

Kabilang sa individual at dual sport disciplines ay ang Archery, Arnis, Athletics, Badminton, Boxing, Chess, Dancesports, Gymnastics, Karatedo, Pencak Silat, Sepak takraw, Swimming, Table tennis, Taekwondo, Tennis, Weightlifting, Wushu, at iba pa.

Ang Learn to Play a Sports Program ay binuo bilang suporta ng Pamahalaang Lokal sa mga kabataan upang mas mahasa sa kanilang talento at kasanayan sa iba’t ibang larangan ng isports.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *