Serbisyong publiko ang hatid sa mga Iliganon ng Lokal na Pamahalaan ng Iligan City sa isinagawang “Serbisyong Iliganon Caravan 2024” na nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Barangay Bonbonon, Iligan City nito lamang ika-20 ng Hunyo 2024.
Ang programa ay masayang nilahukan ng mga tauhan ng Iligan City Mental and Dental Team kasama ang 2nd Mechanized Brigade, 4th Mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection; DOLE at iba’t ibang ahensya sa Lokal na Pamahalaan ng Iligan City.
Iba’t ibang serbisyo ang hatid tulad ng libreng medikal at dental; libreng tuli; libreng gupit; food packs; National Police Clearance; libreng registration sa Philhealth, SSS, at CSWD at libreng seedlings.
Patuloy ang Iligan City LGU sa pagserbisyo sa mamamayan tungo sa pagkamit ng isang asenso at maayos na komunidad.