Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan sa pamamagitan ng Provincial Information Office sa pamumuno ni Richard Falcatan at Lamitan City Tourism Office ang isang Media Tour para sa mga opisyal at miyembro ng Zamboanga Press Club Incorporated (ZPCI) sa Lamitan City, Basilan nito lamang Hunyo 19, 2024.

Kabilang sa mga dapat bisitahing tourist spots at kultural na atraksyon na ipinakita sa aktibidad ay ang Lamitan City Tulip Garden, ang 94.3FM R.O.S.E. Radio, Yakan delicacy tulad ng ‘lokot-lokot’ at panyalam, ang Mural Paintings at puntod ni Datu Kalun, Bulingan Falls, at ang Maarena Beach sa Barangay Calugusan.

Mainit na tinanggap ni Lamitan City Mayor Oric Furigay na kinakatawan ni City Administrator Ken Calolot Bisal ang mga opisyal at miyembro ng Press Club sa pagbisita ng grupo sa Lamitan City Hall.

Inaanyayahan ng Lamitan City LGU ang mga kalapit na lungsod at lalawigan na bumisita at tuklasin ang Lamitan City habang ipinagdiriwang nito ang ika-41st na Pagdiriwang ng Lami-Lamihan Festival.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *