Sumuko ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) – Karialan Faction sa mga awtoridad sa Barangay Paitan, Esperanza, Sultan Kudarat nito lamang Hunyo 18, 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Osama”, 26 anyos, may asawa at residente ng Barangay Ganta, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang mga kasapi ng BIFF na magbalik-loob sa gobyerno at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *