Isang indibidwal ang sugatan habang napadaan nang masabugan ng bomba sa isang gasoline station na pagmamay-ari ng pamilyang Mateo sa Barangay Matibay, Lamitan City, Basilan bandang 6:47 ng gabi nito lamang Miyerkules, Hunyo 18, 2024. 

Mariing kinondena ni Basilan Governor Jim Salliman-Hataman ang nangyaring pagsabog at agad inatasan ang pulisya at iba pang law enforcement agencies na kaagad magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa naturang insidente.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arlan Delumpines, Chief of Police ng Lamitan City Police Station, ang naturang pagsabog ay nagresulta sa bahagyang pagkakasira ng fuel dispenser at pagtamo ng minor injury ng isang lalaki.

Narekober mula sa pinangyarihan ng pagsabog ang 9-volt battery, blasting caps at powder.

Patuloy ang malalim na pag-iimbestiga ng Lamitan City PNP upang mapanagot ang nasa likod ng pangbobomba.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *