Isang security guard ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril sa ikinasang Oplan Panlalansag Omega sa Barangay Rosario Heights 7, Cotabato City nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Teng”, 45 anyos, security guard, residente ng Elementary 1, Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao Del Norte.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang yunit ng cal. 5.56 rifle, isang yunit ng Suzuki Dzire kulay pula, Php119,000 bill na boodle money, isang pirasong Php1,000 bill at isang Nokia black keypad cellphone.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 32 ng Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang suspek.

Patuloy ang panawagan ng PNP ng kooperasyon sa mamamayan upang masugpo ang ilegal na mga gawain sa ating lipunan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *