Isinagawa ang ASEAN Dengue Awareness Month Celebration 2024 ng pamahalaan ng Cotabato na idinaos sa SB Social Hall Legislative Building, Barangay Poblacion, Midsayap, Cotabato nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.

Pinangunahan ito ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang aktibidad. Kalahok rito ang mga barangay officials, Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ay ang information education campaign, bed net/curtain soaking, at rapid diagnostic test gamit ang NS 1 dengue testing kit.

Ang naturang pagdiriwang ay naglalayong palakasin ang kamalayan ng mamamayan tungkol sa sakit na “dengue” lalo na sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN kung saan madali ang paglaganap ng naturang sakit na dulot ng kagat ng mga lamok.