Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro ang isinagawang Tunol Serbisyo para sa Katawhan Program sa Barangay Kidawa, Laak, Davao de Oro nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.
Humigit kumulang 1,000 residente ng Barangay Kadiwa at kalapit barangay ang naging benepisyaryo ng naturang programa.
Kabilang sa mga serbisyong handog nito ay libreng medical at dental check-up, tuli, gupit, libreng gamot at bitamina, bakuna para sa mga alagang hayop at namigay din ng seedlings gaya na lamang ng niyog at food distribution.
Aktibo namang nakiisa sa makahulugang kaganapan na ito ang Laak Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Marietes Salanguit at Philippine Army sa pangunguna ni 60th lB Battalion Commander LTC Jovily Cabading.
Nagkaroon din ng health forum na pinangunahan ng Provincial Health Office at anti-insurgency forum na pinangunahan naman ni KALINAW SEMR Group President Arian Jane Ramos lalo pa at ang programa ay nagsisilbing maagang pagdiriwang sa nalalapit na ikalawang taon ng probinsya bilang Insurgency-Free.