Kinilala ang husay at determinasyon ng tatlong pulis sa pagganap ng tungkulin bilang bahagi ng pagtitiyak ng moral and welfare ng kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Arnold P Ardiente, Officer-In-Charge ng Police Regional Office 12 kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa PRO 12 Grandstand, Camp General Paulino T Santos, Tambler, General Santos City noong Disyembre 23, 2024.

Kinilala ang tatlong pulis na sina Police Captain Jamer P Nawa, Police Executive Master Sergeant Larry R Panes at Police Corporal Leonil D Alagase.

Nabatid na ang tatlong pulis ay nagpakita ng kahanga-hangang pagganap sa paglilingkod ng Warrant of Arrest na nagresulta sa pagkakadakip laban sa isang Top 10 Regional Most Wanted Person para sa kasong Statutory Rape noong Nobyembre 15, 2024 sa Sto. NiƱo, South Cotabato.

Sa mensahe ni PBGen Ardiente, ipinaabot nito ang kanyang papuri para sa katapangan na ipinakita ng mga pinarangalang tatlong pulis na nagsilbing halimbawa ng dedikasyon sa tungkulin at naging daan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *