Patay ang pito katao matapos bumangga ang isang L300 van sa isang puno sa Barangay Magsangyaw, Tupi, South Cotabato, nito lamang Lunes, ika-23 ng Disyembre 2024.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina alyas “Anna,” alyas “Joan,” alyas “Maglente,” alyas “Joel,” alyas “Duke,” alyas “Ike,” alyas “Marga,” at alyas “Yuna.”

Ayon sa inisyal na ulat, nawalan umano ng preno ang sasakyan habang nasa mabilis na takbo, dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver.

Bumangga ito sa puno sa gilid ng daan, na nagdulot ng malubhang pinsala sa mga sakay ng sasakyan.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at medical team sa lugar ng aksidente.

Ang mga biktima ay dinala sa pinakamalapit na ospital, ngunit idineklara na dead-on-arrival ang pito.

Mechanical failure o overloading ang ilang mga posibleng dahilan ng pagkawala ng kontrol sa sasakyan.

Samantala, nanawagan ang PNP sa lahat ng motorista na regular na inspeksyunin ang inyong mga sasakyan, tiyakin ang tamang kondisyon nito, at mag-ingat lalo na sa panahon ng Kapaskuhan kung kailan maraming mga tao ang bumibiyahe.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *