Ibinida ng mga negosyanteng residente ng Mati ang kanilang mga lokal na produkto sa isinagawang Tiendesitas sa Mati nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.
Ang Tiendesitas sa Mati ay isang inisyatibo ng Lungsod ng Mati sa pamamagitan ng Special Program kung saan ay nagtitipon-tipon ang maraming negosyante at grupo upang ibenta ang kanilang mga lokal na produkto mula sa pagkain hanggang sa kagamitan sa murang halaga.
Kabilang sa mga nakiisa rito ay ang Association of Business Expanders and Health na ipinagmalaki ang kanilang dried pusit at bangus, Barangay Bobon Women’s Association, Bobon Youth Association, Badas Women’s Association, Buso Lumad Farmer’s Association, Barangay Taguibo Women’s Association, Macambol Lindog People Organization, Mamali Ric Food Processing and Handicraft Association at iba pa.
Ang aktibidad ay naglalayon ng mas malaking oportunidad para sa maliliit na negosyante na ipakita ang kanilang produkto at mas kumita para sa mas ikakaunlad ng kanilang pamayanan.