Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Peso Manager Cherelle B. Espinosa, katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) XI, ang Pre-Migration Orientation (PMOS) na ginanap sa Panabo Multi-Purpose Tourism Cultural and Sports Center noong Disyembre 23, 2024.
Sa nasabing kaganapan, tinalakay ni Chief Labor and Employment Officer Catherine Marie Villaflores, ang mga mahahalagang paksa tulad ng paghahanda para sa trabaho sa ibang bansa, mga realidad ng pagtatrabaho sa abroad, proseso ng recruitment, mga gastos sa migrasyon, at iba pa.
Ang mga impormasyong ibinahagi ay naglalayong magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangangailangan at hamon na kinahaharap ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Gayundin, mas pinatibay ng DMW XI ang kanilang mga hakbang laban sa ilegal na recruitment sa pamamagitan ng mas matibay na pakikipagtulungan sa mga stakeholders.
Inaasahan na ang kaganapang ito ay magbibigay kaalaman sa komunidad upang mas mapaghandaan ng mga OFWs ang pagpaplano ng trabaho sa ibang bansa.