Upang palakasin ang ugnayan at komunikasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng media, inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro at nagsagawa ng Media Assembly 2024 nito lamang ika-23 ng Disyembre, 2024 sa Puerto Indino Resort, Nabunturan, Davao de Oro.
Ang pagtitipon na ito ay dinaluhan ng mga lokal na mamamahayag at mga tagapagbalita mula sa Davao de Oro, Davao del Norte, at Davao City.
Ipinahayag rito ni Domay Ramos, Editor-in-Chief ng Pahayagan News, ang pasasalamat kay Gobernadora Dorothy M. Gonzaga sa kanyang walang-sawang suporta sa industriya ng media.
Ayon kay Gobernadora Gonzaga, na kinatawan ni Congressman Ruwel Peter Gonzaga, malaking papel ang ginagampanan ng media sa pagpapalapit ng gobyerno sa mga mamamayan.
Ang media ay isang mahalagang katuwang sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga polisiya, programa, at proyekto na may direktang epekto sa buhay ng mga tao.
Hinikayat din nito ang media na patuloy na makipagtulungan sa gobyerno upang matiyak na ang mga mamamayan ng Davao de Oro ay may tamang kaalaman at aktibong kasali sa pag-unlad ng probinsya.