Matagumpay na naisagawa ang Ceremonial Turnover of Coaster Buses sa Municipal Gymnasium ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte nito lamang ika-22 ng Disyembre 2024.
Ito ay pinangunahan ni KGG. Abdulraof A. Macacua, Gobernador ng Maguindanao del Norte katuwang ang mga opisyales ng naturang lugar at Maguindanao del Norte PNP.
Ang pagbibigay ng mga Coaster Bus ay inaasahang makapagpapabuti ng koneksyon at aksesibilidad sa mga bayan, na makatutulong sa pangkalahatang kaunlaran at kagalingan ng lalawigan.
Layunin ng inisyatibong ito na ipakita ang pinagsanib na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan at mga lider ng mga bayan upang mapalakas ang kakayahan sa mobilidad at serbisyong transportasyon sa komunidad.