Misamis Occidental- Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 1,427 senior citizens mula sa Department of Social Welfare and Development 10 sa Municipal Gym ng Jimenez, Misamis Occidental nito lamang Hunyo 21, 2023.
Bawat isa ay nakakuha ng Php3,000.00 na bahagi ng Social Pension Program na sinasaklaw ang buwan ng Enero hanggang Hunyo 2023.
Bukod dito, nakatanggap din ang mga senior citizens ng food packs gaya ng libreng tinapay at mahigit kalahating kilong gatas.
Naging matagumpay ang program sa walang sawang suporta ng Provincial Government ng Misamis Occidental sa ilalim ng pamumuno ni Governor Henry Oaminal.
Patuloy ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pag-abot ng tulong para sa lahat ng mamamayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.