Matagumpay ang naging pagtatapos ng isinagawang Provincial Health Summit nito lamang ika-18 ng Hunyo, 2024 sa Honey’s Hotel, Mati City, Davao Oriental.
Kasabay ng naturang aktibidad, pinangunahan naman ni Davao Oriental Governor Hon. NiƱo Sotero L. Uy, Jr., ang 2nd Quarter Provincial Health Board Meeting kung saan kabilang sa naging usapan ang mga programang pangkalusugan at health financing.
Aktibo namang nakiisa rito si Police Lieutenant Alan B Verginiza, Chief PCADU at Police Captain Jerome D Bueno, Deputy Chief PCADU.
Binigyan naman ng pagkilala ni Gov. Uy ang mga healthcare professionals, organisasyon at iba pang opisina sa probinsya sa pamamagitan ng Sidlak Kalusugan Awards bilang pasasalamat sa pag-aalaga sa kalusugan ng publiko.