Sumuko ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) – Karialan Faction sa mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-18 ng Hunyo 2024.
Kinilala ang sumukong miyembro ng BIFF Karialan Faction na si alyas “Tho Tasil”, 35 anyos, residente ng naturang lugar.
Kasabay ng kanyang pagsuko, ay ang pagturn-over ng caliber firearms na walang bala.
Patuloy ang paghina ng komunistang BIFF at bukas-palad ang pamahalaan sa lahat ng magbabalik-loob upang makapagsimulang muli kasama ang kanilang sariling pamilya.