Sumuko sa pamahalaan ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Pagadian City, Zamboanga del Sur nito lamang Hunyo 19, 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Juls”, 39 anyos , lalaki, magsasaka, may asawa at residente ng Barangay Dalapan, Guipos, Zamboanga del Sur.

Napag-alaman na miyembro ng Hingpit na Organisadong Masa/Bario Revolutionary Committee HOM/BRC sa ilalim ng GF KARA, WMPRC at miyembro ng Salabukan No’k G’taw Subanen (SGS), isang Communist Affiliated Mass Organization (CAMO) sa Indigenous People sector sa ilalim ng UGMO Revolutionary Organization of Lumad (ROL) ng Regional Urban Committee RUC, WMRPC ang sumuko.

Ayon sa ulat, si Juls ay na-recruit ni Commander Nathan ng GF KARA, WMRPC at nagsilbing courier, look-out at tagapangalaga sa mga miyembro ng kanilang organisasyon.

Agad namang nabigyan ng isang sakong bigas at financial assistance mula sa pamahalaan.

Patuloy naman na hinihikayat ng pamahalaan ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at magsimula ng panibagong buhay kasama ang kanilang pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *