Inaasahang ipamamahagi ng Department of Agriculture (DA) Region IX ang Php1.9M na halaga ng mga binhi sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ngayong taon.
Hinihikayat ni DA IX Technical Director for Operations Maria Melba Wee, sa mga magsasaka na makakatanggap ng mga binhi at seedlings na itanim ito kaagad dahil maaaring humina ang viability o kakayahang mabuhay ng mga binhi kung nakaimbak lamang ito.
Aniya, patuloy ang isinasagawang distribusyon ng ahensya sa iba’t ibang mga munisipalidad sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula.
Kinakailangan aniya na rehistrado ang mga magsasaka sa ilalim ng Farmers Registry System ng ahensya para mas maging madali para sa mga ito na magkaroon ng access sa mga programa ng DA IX.
Dagdag pa ni Wee, nasa kabuuang 935,385 na buffer seeds naman ang kanilang naipamahagi na sa rehiyon.