Cagayan de Oro City – Aabot sa 2,000 libong miyembro ng LGBTQIA ang nakiisa sa pagtatapos ng Pride Month na ginanap sa Amphitheatre, Cagayan de Oro City nito lamang Linggo, ika-30 nga Hunyo 2024.

Sa nasabing kaganapan, idinaos ang Pride March ng miyembro ng LGBTQIA+ community, advocates mula sa iba’t ibang barangay, opisina, organisasyon, pribadong sektor at iba pa.

Ibinahagi din ng 10 LGBQIA+ couples ang kanilang love story at nabigyan ng libreng lechon at wine kasama na ang pride night kung saan ipinakita rin ng mga LGBTQIA+ ang kanilang magkakaibang talento.

Idinaos din ang pride fair ng LGU-CDO at tampok ang mga libreng serbisyo mula sa iba’t ibang tanggapan tulad ng libreng HIV Screening, pamamahagi ng condom at lubricants, mini job offering sa City College kasama na ang libreng bitamina mula sa City Health Insurance Office at psychosocial services mula sa City Social Welfare and Development Department Psychosocial Division.

Ang kaganapan ay isang inisyatibo ng City Gender and Development Focal Point System na sinusuportahan ni Mayor Klarex Uy.

Nagtapos ito sa isang fireworks display bilang isang representasyon ng pagmamalaki, pagkakaisa at pagpapatibay ng pagkakakilanlan ng komunidad ng LGBTQIA+ at ng kanilang kontribusyon sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *