Isinagawa ang civic parade at motorcade kaugnay sa 57th Araw ng Davao del Sur nito lamang Hulyo 1, 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Davao Oriental Governor Hon. Yvonne Roña Cagas , na nilahukan ng lahat ng LGU ng Davao del Sur kabilang din ang mga bumubuo ng Davao del Sur Police Provincial Office.
Gayundin ang ibang pribadong sektor upang magkaisa ang buong komunidad sa makulay na paradang nagpapakita ng pagkakaisa.
Ang mga kalahok ay kumasa sa hamon ng pagkamalikhain kung saan Php70,000 ang ibinigay sa Best Creative Dance Parade, Php20,000 para sa Most Creative Contingent at Php20,000 para sa Group with the Most Number of Delegations.