Isinagawa ang Kick Off Celebration ng National Disaster Resilience Month kasama ang mga residente ng Davao de Oro nito lamang Hulyo 1, 2024.

Sa pangunguna ni Davao de Oro Governor Dorothy M. Gonzaga, mga miyembro ng konseho at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay aktibong nakilahok, ipinakita ang buong suporta at dedikasyon sa pagpapalakas ng paghahanda at pagiging matatag sa harap ng kalamidad sa buong lalawigan.

Ang pagtatanim ng mga katutubong puno sa Riverbank ng Mainit sa Nabunturan ay hindi lamang nag-aambag sa pagpanumbalik ng eco-system kundi nagpapalakas din sa likas na depensa ng lalawigan laban sa mga sakuna dulot ng climate change.

Bukod dito, naglalayon itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa pagiging matatag sa harap ng mga sakuna at magbigay ng edukasyon sa mga komunidad ukol sa mga hakbang na maaaring gawin upang makapaghanda sa mga hindi inaasahang pangyayari.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *