Bilang bahagi ng pagdiriwang sa kauna-unahang Kabilin Festival alinsunod sa 57th Araw ng Davao Oriental, nagsagawa ng Kiay-Kiay sa Kabilin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental sa FGR Park and Baywalk sa Mati City nito lamang Hunyo 29, 2024.
Ang Kiay-Kiay sa Kabilin ay binubuo ng paligsahan kung saan ay binibigyang-diin ang pagpapakita ng yaman ng kultura at tradisyon.
Nagwagi naman ang Caraga Mandaya Performing Arts Ensemble sa naturang paligsahan kung saan nakatanggap ng Php500,000 habang Php400,000 naman ang sa Kabilin Mindanao of Malita Davao Occidental, Php300,000 naman sa Matiao NHS Special Program in the Arts, Php200,000 sa Caganganan Dance Ensemble at Php100,000 naman ang sa Lamdag Cultural Ensemble-Tribu Bonsayanon gayundin ang Tribu Bimamwa of Maragusan.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental, sa ilalim ng dinamikong pamumuno ni Gobernador Niño Uy, ay magpapatuloy sa pagpapanatili, pangangalaga, at pagbibigay-pugay sa mga natatanging tradisyon at kaugalian na nagpapaganda sa Davao Oriental, hindi lamang sa kultura kundi pati na rin sa kalikasan.
