Inilunsad sa kabila ng hindi magandang panahon at pinangunahan ni Governor NiƱo Uy ng Provincial Government ng Davao Oriental ang pagdiriwang ng ika-36 National Disaster Resilience Month 2024 nito lamang Hulyo 8, 2024.

Ang tema ay “Bantayog ng Katatagan at Ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan” ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga hakbang sa paghahanda at pagpatatag ng kakayahan upang bawasan ang epekto ng mga sakuna sa buhay, kabuhayan, at imprastruktura na may espesyal na pansin sa paghahanda, pagtugon, at rehabilitasyon.

Upang dagdagan ang kahalagahan ng okasyon, pinangunahan ni Governor Uy at ng iba’t ibang opisyal ng gobyerno ang motorcade procession na dumaan sa mga kalsada ng Lungsod ng Mati, na sinundan ng water salute sa Flagpole area ng Provincial Capitol bilang simbolo ng paggalang at respeto sa katatagan at paghahanda ng lalawigan sa harap ng posibleng mga sakuna.

Kabilang naman sa mga opisinang nakilahok sa mahalagang kaganapan ay ang PNP, BFP, PDRRMO, Philippine Army, Philippine Coast Guard at iba pa.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental kaagapay ang mamamayan ay nagkakaisa at handang harapin ang anumang mga hamon at kalamidad na darating.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *