Todas ang isang payong-payong driver nang pagbabarilin sa Almonte extension, Mother Barangay Poblacion Cotabato City pasado 5:00 ng umaga nito lamang Huwebes, ika-11 ng Hulyo 2024.
Sa report mula sa Cotabato City Police Station 1, kinilala ang biktima na si Juhaimin Amerol Bandila, 22-anyos na residente ng Purok Ilang-ilang RH3 Cotabato City.
Lumalabas sa imbestigasyon na habang nagmamaneho ang biktima nang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at agad pinagbabaril.
Nagtamo ang biktima ng tama sa parte ng kanyang katawan na dahilan ng pagkasawi nito.
Agad naman nagsagawa ng follow-up investigation ang Cotabato City PNP para matukoy ang motibo at mahuli ang suspek sa likod ng pamamaril.