Todas ang anim na suspek kabilang na ang isang miyembro ng PNP Special Action Force habang sugatan naman ang anim na pulis sa paghahain sana ng search warrant na humantong sa madugong engkwentro bandang 8:50 ng umaga nito lamang Miyerkules, Hulyo 10, 2024 sa Barangay New Panay, Aleosan, North Cotabato.
Kinilala ang napatay na pulis na si Police Master Sergeant Jed Michael Gregorio, 33 anyos habang sugatan naman sina Police Captain Marc Bryant Tamid-ay, Police Captain Kirk John Kollin, Police Senior Master Sergeant Alcher Dacula, Police Corporal Mark Joseph Galanta, Police Corporal Emonrick Sornillo Gadat at si Patrolman John Steven Luyun.
Napag-alaman na bitbit ng mga awtoridad ang search warrant ukol sa RA 10591 at RA 9165 laban sa mga suspek ngunit habang papalapit sa target ay bigla na lang pina-ulanan ng bala ang mga operatiba dahilan na gumanti ang mga pulis at tumagal sa 30 minuto ang palitan ng putok.
Napatay sa engkwentro ang main suspect na si Macabuat Salik alyas “Kwat/Iskoh”, Norhamen Sungga Malidas, 21 anyos, Raup Malidas, 30 anyos, Faisal Salibo Kanggel, 45 anyos at Palog Sakib, 45 anyos pawang mga residente ng nasabing bayan.
Narekober sa operasyon ang dalawang caliber M16 Rifle, isang Caliber 30 Garand Rifle, isang 7.62mm M14 Rifle, dalawang granada, isang caliber 45 pistol mga magazine, mga bala at limang malalaking pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang halaga na aabot sa Php324,000.
Samantala, nanawagan na man ang PNP ng kooperasyon sa mamamayan para mapanatiling ligtas at payapa ang ating pamayanan.
