Nagsagawa ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng Balik Kinaiyahan Tree Growing sa Barangay Poblacion, Arakan, Cotabato nito lamang ika-13 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang naturang aktibidad katuwang ang LGU Aracan, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Sangguniang Kabataan Municipal Federation (SKMF).

Ang aktibidad ay may temang “Inang Kalikasan Alagaan, Pamana sa ating Kabataan”.

Sama-sama ang grupo na nagtanim ng iba’t ibang fruit bearing trees sa naturang lugar.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa pagharap sa hamon ng climate change, maiwasan ang landslide at soil erosion, ibalik ang ecological balance at magtatag ng man-made forest para sa People’s Park.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *