Mahigit 100 na pamilyang apektado ng kalamidad ang biniyayan ng ayuda ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantages/Displaced Workers Program (TUPAD) sa Iligan City nito lamang ika-12 ng Hulyo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay dahil sa pagsisikap at pakikipagtulungan ng opisina sa DOLE-X Iligan Province Office at Iligan City Local Governement Unit sa pamamagitan ni City Mayor Frederick W. Siao.
Nakatangggap naman ng Php4,280.00 ang bawat tao na dumalo sa nasabing programa, katumbas ito ng sampung araw na pagtatrabaho.
Layunin nito na bigyang pag-asa at tulungan ang mga residente ng Iligan na apektado sa kalamidad.