Matagumpay na isinagawa ang Ceremonial Bamboo-Growing at Departmet of Labor and Employment (DOLE) Tulong Panghanap-buhay sa ating Disadvantaged Displaced Workers (TUPAD) Orientation sa Samay, Balingasag, Misamis Oriental nito lamang ika-13 ng Hulyo 2024.

Pagtatanim ng mga punla ng kawayan ang pasimula ng nasabing aktibidad, ito ay kaugnay ng BAMBOO Projects ni Gov. Peter “Sr. Pedro” M. Unabia, kasama ang Department of Labor and Employment 10.

Inilaan ang proyektong ito sa mga katutubo Indigenous Peoples (IPs) upang mabigyan ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagsasaka sa loob ng 10 araw.

Layunin nito na mabigyan ng kabuhayan at mapabuti ang kalagayan ng mga katutubo sa lipunan, mabigyan ng pantay na pagkakataon sa ekonomiya, at matiyak na mapapanatili at mapapahalagahan ang kanilang kultura at pamumuhay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *