Matagumpay na nagtapos ang Summer Kids Peace Camp (SKPC) sa Kidapawan City Pilot Elementary School nito lamang ika-15 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ito ng DepEd Kidapawan katuwang ang City Provincial General Services Office (PGSO), at Provincial Youth Development Division.

Libo-libong campers ng lungsod ang nag-iwan ng isang masaya at magandang alaala sa ginawang tatlong araw na camping activity na sinimulan nitong ika-12 ng Hulyo kung saan nabahagian ang mga lumahok ng iba’t ibang aral tulad ng mahahalagang impormasyon at gagawin sa panahon ng kalamidad at sakuna, usaping kapayapaan, pagkakaisa, leadership skills, at pagkikipag-kapwa.

Hinirang naman na Best Campers ang mga Grade 5 pupils na nagpakita ng kahusayan sa mga aktibidad na sina Miel Blake Mauricio ng Lanao Central ES, Klent John Barrios ng San Roque ES, Joey James Aranas ng Kidapawan City Pilot ES, Jamaica Camsagay ng Fellipe Swerte Memorial ES, Zea Patricia Pana ng Lapan ES, Strov Enzo Dalgan ng Magsaysay ES, Dulce Celis ng Paco Central ES, Lloyd Gabriel Libosana ng Onica ES, John Allyzon Garcia ng Manongol ES at Louie John Mundas ng Amas Central ES.

Layunin nito na makatulong sa kabataan na magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang modules at sa pagkakaroon ng magandang pakikisama, tiwala, at pag-galang sa ibang kabataan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *