Pinasinayaan ang P1.9 milyong halaga na storage facility sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Ramon Magsaysay sa Zamboanga del Sur nito lamang Hulyo 14, 2024.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Executive Director Arturo Fadriquela, sa pamamagitan ng nasabing pasilidad ay mapapanatili ang pang-ekonomiyang halaga ng mga nakumpiskang materyales mula sa kagubatan.
Sinuportahan ng DENR ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng pagbibigay ng forest products bilang donasyon para sa mga nangangailangan nito.
Isinagawa rin ang unveiling of plaque sa naturang seremonya upang kilalanin ang suporta ng DENR IX sa pagpapatayo ng naturang storage facility na nagkakahalaga ng kabuuang Php1,963,920.
Layon ng programa na magkaroon ng maayos na pasilidad ang mga materyales na nakukuha sa iba’t ibang kagubatan sa probinsya ng Zamboanga del Sur.