Nasabat ang tinatayang Php1.2 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ng mga awtoridad sa Gaulan Road. Purok 6 Brgy. Gaulan, Diplahan, Zamboanga Sibugay nito lamang Hulyo 13, 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bor”, 32 anyos, truck driver, residente ng Purok Bougenvilla Brgy. Lower Buluran, Imelda, Zamboanga Sibugay.

Narekober sa naturang operasyon ang 14 master cases ng Dunston, 47 master cases ng YS na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,203,300.00.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Patuloy ang PNP sa pagpapaiting ng kampanya kontra puslit na yosi upang managot ang nasa likod nito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *